P62-billion, inilaan na para sa pagbili ng Black Hawk choppers at patrol vessels

Ibinunyag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayroong P62-billion na pondo na naitabi ang gobyerno para sa pagbili ng 32 Black Hawk helicopters, at anim na offshore patrol vessels.

Sa isang Viber message, ay ibinunyag ni Lorenzana na kukuha ang bansa ng 32 Black Hawk helicopters mula sa PZL Mielec, sa Poland.

Kasabay nito ay bibili rin ang gobyerno ng anim na patrol vessels mula sa ship building firm na Austal.

Umaasa naman ang gobyerno na mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kontrata bago ang pagtatapos ng termino nito sa 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *