P8.5M naipautang na ng Naga City sa mga maliliit na negosyanteng apektado ng pandemya

NAGA CITY- Nagpapatuloy ang Interest Free Loan ng Naga City sa ilalim ng Business Stimulus Program. 

Layunin ng programa na natulungan ang mga maliliit na negosyanteng labis na apektado ng pandemya. 137 small enterprise na ang naging recipient nito. 

P8.5M na ang naipautang ng lungsod sa pamamagitan ng Metro Naga Public Employment Service Office. P10M ang inilaan para rito subalit ayon kay Metro Naga PESO Chief Jun Mongoso, maaari pa itong madagdagan.

Kabilang sa mga apektado ang mga negosyante sa Naga City People’s Mall , ayon kay Market Superintendent Mon Florendo dahil sa mga restrictions umaaray pa sa hina ng benta ang mga vendors kaya hinikayat ring tangkilikin ang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *