Padyak driver sa bayan ng Malinao, Albay na may kasong act of lasciviousness na may kaugnay sa child abuse at rape, sexual assault arestado na, 320k na pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

LEGAZPI CITY – Di na nakapalag pa sa mga awtoridad ang isang padyak driver matapos arestohin ito sa Brgy. Jonop bayan ng Malinao Albay dahil sa kasong Act of Lasciviousness na may kaugnay sa Child Abuse at Rape sa pamamagitan ng Sexual Assualt.

 Kinilala ang akusado na si alyas Jeff 53-anyos residente ng Purok 6 ng nasabing barangay. Ayon sa report, natagpuan ng mga awtoridad ang akusado sa nasabing lugar at sinilbihan ng warrant of arrest na pirmado noong Agusto 31, 2021 dahil sa mga nasabing kaso.

 Aabot sa P320K para sa kasong Act of Lasciviousness na may kaugnay sa Child Abuse at kasong Rape sa pamamagitan ng Sexual Assualt para sa kanyang pansamantalang kalayaan.Ang akusado ay nasa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *