Nasa 300K na halaga ng mga hindi sertipikadong kagamitan, sinira ng DTI-Catanduanes bilang bahagi ng consumers welfare’s month

BNFM BICOL—Bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng ‘Consumer Welfare’s Month’ ngayong buwan ng Oktubre, isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI-Catanduanes) ang destruction and disposition of violative products.

Isinagawa ang naturang aktibidad sa Plaza Rizal sa bayan ng Virac kung saan nasa mahigit P300,000 na halaga ng mga hindi sertipikadong produkto at kagamitan ang sinira sa pamamagitan ng isang backhoe.

Ayon sa DTI, karamihan sa mga kagamitang napabilang sa destruction ay mga LED bulbs; electric fan; monoblock chairs; low carboon steel wires at iba pa.

Ito umano ay kanilang nakumpiska sa mga isinagawang inspection sa iba’t-ibang mga tanggapan at establisyemento sa islang laalawigan simula pa noong 2018 hanggang sa taong kasalukuyan.

Ang kawalan ng sertipikasyon ng mga nasabing kagamitan ay nangangahulugan na hindi ang mga ito dumaan sa quality control at inspection ng DTI na maaaring ikapahamak ng mga consumers na bibili at gagamit nito.

Ito rin umano ay malinaw na paglabag sa Department Administrative Order No. 2 series of 2007 o ang Violations of the Consumer Act of the Philippines and Other Trade and Industry Laws.

Ang naturang aktibidad ay isinasagawa ng DTI upang ma-protektahan ang mga consumers mula sa mga delikadong produkto.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *