PCG personnel na binomba ng tubig ng China – pararangalan

Kinilala ni Philippine Coast Guard District (PCG) NCR-CL Commander Arnaldo Lim ang mga personnel nito na sumabak ang nag-escort sa resupply mission at maritime patrols kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kamakalawa.

Sa pagbisita ni Lim sa BRP Bagacay – kinilala nito ang katapangan ng crewmen ng PCG na nagpatuloy pa rin sa kanilang misyon sa kabila ng ginawang pagbanggan ng China Coast Guard at pambobomba nito ng malakas na water cannon.

Dahil dito – makatatanggap daw sila ng ‘bravery in action merit medal’.

Maaalalang ininspeksyon ni Commo Lim ang naturang barko kung saan – tinatayang aabot ng hanggang sa P3M ang pinsala nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *