Pag-decongest sa populasyon ng KNCHS, tutukan ng DepEd Koronadal

KORONADAL CITY – KUKUMBINSIHIN ng Department of Education o DepEd Koronadal City Division kasama ang pamunuan ng Koronadal National Comprehensive High School ang mga ginikanan ng mga non-city-resident students na kung maaari sa kani-kanilang mga lugar na lamang na mayroong high school sila mag-aral.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay DepEd Koronadal City Division OIC Superintendent Roberto Montero, inihayag nito na ang pinakalayunin ng hakbang na ito ay upang ma-decongest ang bilang ng mga estudyante ng KN sa target na mas maibigay ang dekalidad na serbisyo ng edukasyon sa mga estudyante.

Ayon kay Montero, na kung ilalagay lahat na mga mag-aaral sa KN, mahihirapan na maabot ang pinakalayunin na maayos na serbisyo kung saan magiging sanhi ito ng kakulangan sa mga classrooms ang nasabing paaralan. Nilinaw ng opisyal na wala umanong pinipiling estudyante, ngunit kanila lamang ikinokonsidera ang mga bagay na mas makabubuti sa lahat ng mga nag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *