Estudyante nalunod sa Milaor, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nauwi sa pagkalunod ang masaya sanang paliligo sa Bicol River ng 14-anyos na dalagita sa Milaor , Camarines Sur.

Nirespondehan ng Philippine Coast Guard ang ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na may nalunod sa Barangay San Miguel. Hindi sila kaagad naka diretso sa area dahil sa bridge construction at maraming water lilies.

Napag-alaman na naliligo ang Grade 9 student na si “Marimar” , kasama ang mga kaibigan nito pero napunta sa malalim at tinangay ng malakas na agos.

Ayon sa ama ni Marimar, hindi marunong lumangoy ang dalagita. Aniya kumuha lamang ng manga ang anak kasama ang mga kaibigan nito, hanggang sa nagkayayaaan na maligo pero sa hindi inaasahan , pasado alas-12 ng tanghali nang maiulat na itong nawala.

Ipagpapatuloy ng PCG ang paghahanap kay Marimar ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *