Pag-iisyu ng 10 years driver’s license validity sa mga motoristang walang nagawang traffic violation epektibo na sa buwan ng Oktubre

SORSOGON CITY – Maari nang magpalabas ang Land Transportation Office (LTO) – Sorsogon ng driver’s license na may 10 years validity sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Grace Rojas, ang head ng nasabing opisina, sisimulan nila ito sa mga motorista na nakatakdang magrenew ng kanilang mga lisensya sa nasabing buwan.

Subalit paglilinaw nito na tanging mga motorista na magrerenew mula sa 5yrs validity at walang naitalang anumang paglabag sa batas trapiko ang mabibigyan nito hindi kasama rito ang mga motorista na mula sa 2years ang validity.

Pag-amin pa ng opisyal, matagal ng epektibo ang nasabing lisensya subalit nagkaroon ng kakaunting adjustment kaya nahuli ang kanilang implementasyon.

Paliwanag nito, ang mas mahabang validity ng driver’s license ay ipapatupad upang mahikayat ang mga motorista na iwasan ang pagkakaroon ng anumang paglabag sa batas trapiko. // Meljessa Balino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *