COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa halos 21k

BICOL—Sumampa na sa 20,999 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na magtala ng 121 na panibagong kaso.

Pinakamaraming bagong kaso ang nadagdag sa Masbate na may 34 kung saan 14 nito ay naitala sa Masbate City, tig-apat ang bayan ng Batuan at Mobo, tatlo sa sa bayan ng Balud, tigdalawa ang bayan ng Mandaon at Placer at tig-iisa ang mga bayan ng Aroroy, Cataingan, Milagros, Monreal at Uson.

Sumunod ang Camarines Sur na may 28 kung saan tigtatatlo ang mga bayan ng Baao, Bato, Bombon, Ocampo at lungsod ng Naga, tigdalawa kaso ang bayan ng Pili at San Jose at tig-iisa ang mga bayan ng Cabusao, Canaman, Milaor, Minalabac, Nabua , Pamplona, San Fernando, Tigaon at lungsod ng Iriga.

Ang lalawigan ng Albay ay nagtala ng 25 panibagong kaso kung saan sampo nito ay mula sa bayan ng Sto. Domingo, anim sa bayan ng Daraga, tigdadalawa angt bayan ng Guinobatan at mga lungsod ng Legazpi at Ligao at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Camalig at Pio Duran.

18 na panibagong kaso ang naitala sa Camarines Norte kung saan tiglima ang bayan ng Daet at Jose Panganiban, tatlo sa bayan ng Paracale at tig-iisa ang mga bayan ng Basud, Labo, San Vicente, Talisay at Vinzons.

Ang Sorsogon ay may 14 na panibagong kaso kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Barcelona at tig-iisa ang mga bayan ng Castilla, Donsol, Gubat, Magallanes at Pilar.

Dalawang kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes na mula sa mga bayan ng San Andres at Viga.

Samantala, sumampa na sa 17,276 ang total recoveries matapos na madagdagan ng 154 na mga bagong gumaling. 79 ay mula sa Camarines Norte, 43 sa Camarines Sur, tig-12 ang Catanduanes at Sorsogon at walo sa Naga City.

Umabot na rin sa 796 ang death toll matapos na madagdagan ng panibagong apat na pawang mula sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *