Pagbaba ng bilang ng mga magpapakatay ng baboy ngayong Semana Santa, asahan

CAMARINES SUR- Inaasahan ng Economic Enterprises Office (EEO) sa bayan ng Pili, Camarines Sur ang bahagyang pagbaba sa bilang ng mga magpapakatay ng baboy ngayong Semana Santa lalo na sa mga katolikong mahigpit na nagoobserba ng pag-aayuno.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Bernard Estadilla, Market Supervisor V ng EEO, base sa kanilang pinakahuling obserbasyon, nasa normal pa naman ang bilang ng mga nagpapakatay sa ngayon na umaabot mula 35 hanggang 40 bawat araw. Ngunit habang papalapit ang Biyernes Santo, maaring bahagya itong bumaba dahil mas taas ang demand ng isda.

Inaasahan rin ng opisina na pagkatapos ng Semana Santa ay babalik agad sa normal ang bilang ng mga magpapakatay ng baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *