Pagsusuot ng life jacket, paalala ng PCG Tamban, Tinambac sa mga hahabol na biyahero ngayong Semana Santa

CAMARINES SUR — Palaging magsuot ng safety life jacket, ito ang paalala ngayon ng Philippine Coast Guard  Tamban Sub-station, sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur sa mga hahabol pang biyahero ngayong semana santa pauwi sa mga coastal barangays ng Lagonoy at Garchitorena.

Sa obserbasyon ng BNFM ang ganitong paalala ay hindi naman nasusunod ng marami lalo na kung maayos naman ang lagay ng dagat.

Ayon kay CG PO1 Joseph Viñas, ang Commander ng Coast Guard Sub-station (CGSS)  Tamban, kung pagbabasehan ang bilang ng mga pasahero nitong nakalipas na taon, hindi naman aniya dumaragsa ang mga byahero sa pantalan, at depende pa rin ito sa mga uuwi. Kaugnay nito, ibayong pag-iingat naman ang paalala nila sa mga ito upang maiwasan ang anumang aksidente.

Samantala, humingi na rin ng dagdag na personahe ang istasyon upang tumulong sa pagpapanatili ng seguridad sa pantalan at ng mga biyahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *