Pagbabakuna laban sa tigdas huwag kaligtaan ayon sa DOH kaugnay ng posibilidad ng pagkakaroon ng Tigdas Outbreak sa 2023

NAGA CITY- Tuloy-Tuloy ang laban ng Department of Health at ng bansa sa COVID-19 pero hindi naiiwan kampanya laban sa iba pang sakit tulad ng tigdas.

Ito ang sinabi ni  DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire nang bumisita sa Bicol Medical Center lalo’t umaabot sa tatlong milyong mga bata ang wala pang mga bakuna.

Binalaan ng World Health Organization (WHO) at United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) ang DOH na posibleng magkaroon ng tigdas outbreak sa susunod na taon sa bansa kung mananatiling mababa ang saklaw ng pagbabakuna.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay DOH Camarines Sur Provincial Officer Dr. Rey Millena , sinabing paisa-isa lang naman ang kaso sa mga ospital sa lalawigan pero hindi aniya ito daan upang makampante. Ang mga Rural Health Unit ay may mga pamamaraan upang mabakunahan ang mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *