70 slots inilaan sa mga seasonal vendors sa Naga ngayong paparating na Undas

NAGA CITY – Naglaan ang Naga City People’s Mall ng 70 slots na pupwestuhan ng mga seasonal vendors ngayong Undas.

Kung saan hiwalay ang lahat ng mga manininda ng mga bulaklak sa mga manininda ng mga kandila. Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Ramon Florendo, Market Superintendent ng NCPM.

Aniya, may ilan nang unang nagpalista sa opisina at bukas ito sa lahat ng mga nais magtinda kahit mula sa ibang bayan ngunit prayoridad pa rin ang mula sa lungsod.

Sa J. Hernandez Avenue pupuwesto ang mgaflower vendors, sa may harap naman ng Ganeral Luna ang mga manininda ng mga kandila. Simula Oct. 29 – Nov. 1, 2022, ang schedule nila at ayon pa kay Florendo, bukod sa nais nilang maging maayos at organisado, madali na rin para sa mga mamimiling maghanap, nais rin kasi nilang mapagbigyan ang lahat ng mga seasonal vendors at nang makapaghanap-buhay lalo na inaasahan na marami ang magtitinda ngayong Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *