Pagbili ng dalawang kagamitan para tulong sa pagbawas ng basura sa Kor, isinusulong

KORONADAL CITY- ISINUSULONG ni City Environment and Natural Resources o CENRO Officer Augustus Bretaña ang pagkakaroon ng lungsod ng Koronadal ng dalawang mga teknolohiya na makatutulong upang mabawasan ang mga basura lalo na ang mga plastic waste na itinatapon sa Sanitary Landfill o SLF.

Ayon kay Bretana, na maliban sa plastic recycling facility na kasalukuyang ginagamit ng lungsod, inaasahan naman nito sa susunod na taon, magkakaroon na ng panibagong pasilidad ang SLF na magpoproseso ng plastic upang maging gaseous fuel sa pamamagitan ng pyrolysis at Enviro-Asher kung saan lahat ng basura ay ipoprosesong magiging abo.

Una nang nagpahatag ng pagkabahala ang pamunuan ng CENRO sa mabilis na pagdami ng basura sa Cell No.2 ng SLF kung saan umabot na sa 30%-40% ang nagamit at posible umanong mapupuno ito sa loob lamang ng limang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *