Pagbili ng mga Chinese Nationals ng college diploma sa Cagayan, pinaiimbestigahan

Nilinaw ni Senate Committee on Basic Education, Chairperson, Senador Win Gatchalian na suportado niya ang internationalization sa higher education institutions sa bansa.

Ngunit sa kabila nito, ipinunto niyang tinututulan niya ang diploma mills o pag-aalok ng diploma at sertipiko kapalit ng malaking halaga.

Ito ay matapos ibulgar ni Chester Cabalza, propesor ng University of the Philippines na may iilang Chinese nationals ang di umano’y nagbabayad ng hanggang dalawang milyong piso para makakuha ng diploma sa Cagayan.

Kaugnay nito, nanawagan si Gatchalian sa Commission on Higher Education (CHED) na imbestigahan ang nasabing alegasyon.

Dagdag pa niya, dapat ding parusahan ng CHED ang sinumang institusyon at opisyales na mapatunayang nagpahintulot dito.

Alinsunod nito, iminungkahi at itinutulak ni Senador Chiz Escudero si Cabalza na maghain ng complain sa CHED tungkol dito upang makapag-isyu na ng show cause order sa St. Paul’s University sa Tuguegarao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *