Pagkakaisa ng bansa hiniling sa ika-38 anibersaryo ng kamatayan ni dating Sen. Ninoy Aquino

NAGA CITY- Ginugunita ngayong araw ang ika-38 anibersaryo ng kamatayan ni dating Sen. Ninoy Aquino, naririto pa kaya ang kabuluhan ng pagkamatay nito? o sa P500 bill na lamang nakikita si Aquino?

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Igualdad Punong Barangay Tony Galido, sinabi nitong sana ay naririto pa ang laging pagkonsulta ng pamahalaan sa taong bayan. Nagkakaisa ang Pamahalaan at mamamayan. Sana aniya ay napapakinggan ng administrasyon ang mga hinaig at pangangailan o di kaya ay mga mungkahe ngayong pandemya.

Dagdag ni Galido, may kaguluhan man noon ay nakakapaghanapbuhay pa rin ang mga Pilipino, kahit pa aniya isang linggo ang kilos protesta mayroon pa ring kita ang mga nasa transportasyon at pagnenegosyo. Subalit ngayon, dumaraan lamang ang P500 bill kung saan makikita ang mukha ni Ninoy, minsan nga halos hindi na ito mahawakan ng Pinoy.  Ang Barangay Igualdad ay nasa centro ng Naga kaya batid ni Galido ang takbo ng ekonomiya.

Dagdag ng opisyal, may mga katangian si Ninoy na dapat mabatid ng marami, manaig ang pagmamalasakit at demokrasya. Magkaisa lalo pa ngayong panahon ng krisis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *