81% ng mahigit 947K doses ng COVID-19 vaccine na natanggap ng Bicol, naibakuna na

BICOL—Naiturok na sa iba’t-ibang priority groups sa Bicol ang 81% ng kabuuang 947,520 doses ng COVID-19 vaccine na natanggap ng rehiyon.

Katumbas ito ng 771,607 doses kung saan 569,327 ang naibakuna para sa first dose habang 202,280 naman sa second dose.

Base sa pinakahuling Vaccine Statistics report ng Department of Health (DOH) CHD Bicol, 12% na ang fully vaccinated sa 15% coverage. Nasa 437,804 na ang completely vaccinated o mga nakatanggap ng second dose mula A1 hanggang A4 kabilang na ang nasa Others category kung saan kasama na rin dito ang mga nabakunahan ng one shot Janssen vaccine.

122,740 nito ang A1, 192,343 ang A2, 109,665 ang A3, 11,869 ang A4 at 1,187 ang sa Others category. Ang Camarines Sur ang may pinakamataas na vaccine allocation na nasa 308,876, sinundan ng Albay na may 251,482, Masbate na may 130,049, Sorsogon 122,597, Camarines Norte 76,261 at Catanduanes 58,255 vaccine doses.

Tuloy tuloy pa rin ang pagbabakuna sa iba’t-ibang lalawigan para sa layuning maabot ang herd immunity at mapigilan na ang patuloy na pagkalat ng COVID-19. Samantala wala pang schedule kung kelan muling darating ang karagdagang batch ng mga bakuna mula sa NCR.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *