Lalaki, tinaga ng mister ng kaalitan sa Plaridel, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos itong tagain  ng mister ng nakaalitan sa Barangay Tanauan, Plaridel, Quezon nitong Sabado, Marso 23.

Ayon sa report, sinubukan muna umanong awatin ng suspek ang biktima at ang kanyang misis na noo’y may mainit na pagtatalo ngunit hindi ito nagtagumpay.

Doon na ito kumuha ng kutsilyo ang suspek saka tinaga ang biktima sa kaliwang braso.

Samantala, isinugod sa hospital ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling habang ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Plaridel Municipal Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *