Pagkawala ng volunteer ni VP Robredo, pinaimbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan na sa Kamara ang pagkawala ng isa sa mga campaign volunteer ni Vice President Leni Robredo.

Inihain nina Bayan Muna party-list Representatives Carlos Zarate, Eufemia Cullamat, at Ferdinand Gaite ang House Resolition 2565 na layong imbestigahan ang pagkawala ni Dante Gatdula.

Sa ilaim ng resolsuyon, aatasan ang House Committee on Human Rights na siyasatin at aralin ang biglaang pagkawala ni Gatdula, ‘in aid of legislation’.

Matatandaang ika-23 ng Abril nang maiulat na nawawala si Gatdula, chairperson ng Robredo’s People’s Council sa bahagi ng Quezon.

Sa resolusyon, ipinunto ng mga mambabatas na nakababahala ang maraming bilang ng mga napapaulat na pagbabanta, at harassment sa mga volunteers ng Bise Presidente.

Bago kasi ito, una na ring iniulat ang iba pang kaso ng pangha-harass kagaa na lamang ng pag-aresto sa ilang volunteers ni Robredo sa Cavite; bomb threat sa campaign rally nito sa Kalibo, Aklan; at ang pananakot sa loob mismo ng headquarters ng volunteers nito sa Davao City.

Giit ng mga mambabatas, tungkulin ng Kongreso na depensahan ang karapatan ng mga tao laban sa iba’t ibang violations lalo na ngayong panaho ng halalan.

Kinakailangan anilang maimbestigahan ito ng Kamara para mapanagot ang dapat mapanagot sa pang-haharass na ito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *