Paglabag sa curfew hours, karamihan sa nahuhuli ng POSD cauayan city

Karamihan umano sa nahuhuli ng POSD Cauayan City ay mga residenteng lumalabag sa curfew hours na inilatag habang nakasailalim sa General Community Quarantine ang lunsod.

Ito ang kinumpirma ni POSD Chief Pilarito Mallillin sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, marami pa rin umanong mga kabataan at matatanda ang nasa labas pa ng kanilang mga tahanan kahit alas 10:00 na ng gabi dahilan upang mahuli ang mga ito sa paglabag ng curfew hours kung saan ilan pa sa kanila ay nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.

Ilan sa dahilan ng mga nahuhuling lumabag ay hindi umano nila alam na mayroong curfew hour.

Ayon pa kay POSD Chief Mallillin, wala naman umanong mga business establishment ang nahuli nang lumabag sa ordinansa dahil bago pa sumapit ang alas 10:00 ng gabi ay nagsasara na ang mga ito.

Nagpasalamat naman ang opisyal sa suportang ibinigay ng Cauayan City Police Station upang maipatupad ang mga ordinansa at aktibong pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay sa lunsod upang patuloy na masunod ang mga umiiral na health protocols sa siyudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *