Mga batang 5-anyos pataas, hindi pa pinapayagang lumabas sa Cauayan City – POSD

Hindi pa pinapayagang lumabas ang mga batang 5-anyos pataas sa lunsod ng Cauayan hangga’t wala pa umanong nailalabas na ordinansa ang lokal na pamahalaan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallilin, sa ngayon umano ay wala pang ibinababang ordinansa na maari nang lumabas sa lunsod ang mga batang 5-anyos pataas kasunod ng anunsyo ng National IATF at nakadepende pa rin sa mga LGU ang desisyon rito.

Aniya, maari rin umano itong i-adopt ng lunsod ngunit magkakaroon pa rin ng restrictions kung saan kinakailangan pa ring kasama ng mga bata ang kanilang mga magulang.

Ayon pa kay POSD Chief Mallilin, magkakaroon ang task force ng check and balance sakaling ipatupad ang naturang ordinansa kung saan papayagan lamang lumabas ang mga bata kasama ang kanilang magulang sa mga importanteng lakad ng mga ito.

Samantala, kasalukuyan pang pinag-aaralan ng LGU Cauayan City kung papapayagan na ang paglabas ng mga bata dahil kinakailangan pa ring ikonsidera ang kanilang kalusugan at kaligtasan ngayong nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *