Pagpapapako sa krus ngayong Semana Santa, hindi inirerekomenda ng IPHO So.Cot

KORONADAL CITY- BAGAMAT panata at tradisyon na ng mga debotong Katoliko ang pagpepenitensiya sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus tuwing Semana Santa, hindi naman ito inirerekomenda ng Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr na ito ay dahil maaaring magdulot ang pagpapapako sa krus ng impeksyon.

Ngunit sa mga hindi mapipigilan na magpapako, inihayag ni Aturdido na kailangang malinis at sterilized ang pako gagamitin at uminom ng antibiotic kontra sa infection.

Inirerekomenda naman ng Department of Health (DOH) ang pagpapabakuna kontra sa tetano.

Pinag-iingat din ng opisyal ang mga sasali sa prusisyon lalo na’t mainit ang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *