Pagpasok ng mga bagong towing company sa Olongapo, pinahihigpitan ng traffic management office

Irerekomenda ng Olongapo City Traffic Management and Public Safety Office sa city government na tiyaking kumpleto ang mga equipment ng kukuning towing company.

Ito ay para makaiwas na kuwestiyunin ng mga motorista ang legalidad sa panghahatak ng mga sasakyang gayong may mga kondisyon ang city government na hindi nito nasusunod.

Ayon kay Traffic Management Chief Maj.Camilo Pablo, dapat matiyak ng city government na nasa kondisyon ang mga gagamiting truck, dapat ay may sirena at iba pang mga nilalaman ng kasunduan.

Para kay Pablo, mas magiging maayos ang serbisyo ng towing company kung kahit na nag-iisa ay kumpleto sa mga kagamitan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 2 people and text that says 'from feeling sick to feeling better Power Cells Salabat Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *