Palasyo, welcome ang emergency use listing para sa Sinopharm

Welcome sa Palasyo ang hakbang ng World Health Organization na pagbibigay ng emergency use listing (EUL) status sa Chinese firm Sinopharm’s COVID-19 vaccine.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang naturang development ay magpapalakas sa diversified vaccine portfolio ng bansa, sa gitna ng patuloy na pagsusumikap ng gobyerno na mapaganda ang access sa ligtas at epektibong bakuna.

Mababatid na nasa 7.5 million doses ng COVID-19 vaccines ang naideliver na sa Pilipinas, kung saan 2.7 million doses ang ibinigay ng global initiative COVAX facility.

Giit ni Roque, dahil sa bultong vaccine orders sa mga susunod na buwan, kampante umano silang mapapabilis ang coronavirus vaccination program.

Samantala, dahil sa approval ng WHO, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nagbigay na siya ng instructions para sa paghahain ng emergency use authorization para sa donated China-made vaccines. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *