Pamilya Bandojo, dismayado nang ibasura ng piskalya ang kaso VS suspek sa pagpatay sa dalagitang si Roselle

NAGA CITY – Dismayado ang pamilya Bandojo sa naging desisyon ng Naga City Prosecution Office laban sa suspek sa pagpatay kay Roselle Bandojo, kung saan ibinasura ng piskalya ang nauna nang kasong Robbery with Homicide dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa panayam sa Brigada News FM Naga naging emosyonal si Juvy Bandojo, ina ng labing-pitong taong gulang na dalagitang si Roselle Bandojo na nawala noong gabi ng  Hulyo 22 at natagpuang wala nang buhay, Hulyo 28, sa isang bakanteng lote sa Barangay Liboton, Naga City.

Sinabi ng ina na hindi sila titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya at napapanagot ang tunay na responsable sa pagpatay sa anak.

“Sel, kun nasain ka man. Ilalaban at ilalaban  mi na magkaigwa ka nin hustisya. Dai kami matugot na mapaduman sana sa wara an may kagibuhan ka iyan saimo. Malaban at malaban kita, Ne. Itatao mi saimo an tamang hustisya.(Sel, kung nasa’n ka man. Ilalaban at ilalaban namin na magkaroon ka ng hustisya. Hindi kami papayag na mapunta lang sa wala ang may kagagawan saiyo nito. Lalaban at lalaban tayo. Ibibgay namin saiyo anng tamang hustisya.)” ani ng ina.

Sa ngayon, hustisya pa rin ang sigaw ng pamilya Bandojo at umaasang mapapanagot ang may kagagawan sa karumaldumal na krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *