Benepisyo at incentives para sa mga child development workers sa Sorsogon  madadagdagan na

Maliban sa kanilang tinatanggap na honorarium mula sa Barangay at monthly contribution mula sa mga magulang ng mga bata, makakatanggap din ng 3,700 pesos na cash incentives ang lahat na mga nagtuturo sa day care o mga rehistradong Barangay Day Care Workers taon-taon, batay na rin sa Paragraph 1 Section 7 ng inaprubahang Provincial Ordinance No. 33-2023 ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon o ang An Ordinance Granting Benefits and Incentives to Child Development Workers and Teachers (formerly known as Barangay Day Care Workers) sa lalawigan.

Bukod pa rito, makakatanggap din ang mga ito ng health package ng personal health services tulad ng in-patient at out-patient care at iba pang supplementary health benefits na ang bawat premium contributions o paghuhulog tulad ng PhilHealth ay sasagutin ng LGU na nakakasakop sa mga ito. 

Libre din ang kanilang medical examination sa lahat ng City at Municipal Rural Health Centers at mga District at Medicare Hospitals.

Bukod pa sa wala na rin silang babayaran sa mga kailangan nilang legal assistance tulad ng representation at consulation services sa pamamagitan ng City at Municipal Legal Office kapag nagkaroon ng problema habang ginagawa nila ang kanilang trabaho.

Libre rin nilang magagamit para sa kanilang mga programa at iba pang aktibidad ang mga facilities ng LGU.

Maliban sa cash incentive, mayroon ding ipagkakaloob na mga sertipiko at loyalty Incentive na 10K pesos para sa sampung taon nang nagtatrabaho bilang rehistradong Child Development Worker, 20K pesos para sa 20 taon na sa serbisyo, 25K pesos para sa 25 taon na at 30K pesos para sa 30 taon na sa serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *