Pamilya sa Camarines Sur sugatan sa aksidente

Camarines Sur – Imbes na tuwa at saya ang dala-dala mula sa isang okasyon ng isang pamilya sa Buhi, Camarines Sur nauwi sa aksidente matapos na sumalpok ang sinasakyang tricycle sa kasalubong na pampasaherong jeep kahapon bandang 4:40 ng hapon sa Barangay Sta Justina naturang bayan, lulan nito ang 6 na katao.

Sa panayam ng BNFM Naga kay PCpt. Jason Max Barcenas, Deputy Chief of Police ng Buhi PNP sa kanilang pag-iimbestiga lumalabas na binabaybay ng jeep ang daan patungo sa lungsod ng Iriga, nagkabanggaan ang dalawang nabanggit na sasakyan.

Depensa ng drayber ng jeep mabilis ang takbo ng tricycle at nakain ang linya nito.

Napagalaman na galing sa fiestahan ang magpapamilya na pauwi na sana sa kanilang tahanan.

Nag-usap na ang magkabilang panig para sa nararapat at susunod na aksyon.

Kaugnay nito ang paalala ng pulisya sa publiko na mag-ingat at sumunod sa batas trapiko, gayun din kung may mga okasyon sa kanilang bayan ay pinagpaplanohan nila ng maigi upang maiwasan ang mga hindi inaasahang aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *