Panama-flagged ship na-hijacked ng mga armadong grupo sa Gulf of Oman

Hinayjak ng mga armadong kalalakihan ang isang Panama-flagged ship sa Gulf of Oman kung saan inutusan nito ang barko na maglayag patungong Iran.

Sa inisyal na report, nasa siyam na armadong kalalakihan ang sumampa sa barko malapit sa Strait of Hormuz.

Hindi pa malinaw ngayon kung anong grupo ang nasa likod ng hijacking sa MV Asphalt Princess tanker bagamat pinaniniwalaang kagagawan ito ng Iranian forces

Itinanggi na ng Revolutionary Guards ng Iran ang insidente.

Ang nasabing insidente ay kasunod ng pag-atake sa oil tanker na ino-operate ng Israeli-owned company halos isang linggo pa lamang ang nakakaraan.

Napag-alaman ding dati nang hinayjak ng revolutionary guards ang isa sa mga barko ng Dubai-based company na nagpapatakbo sa MV Asphalt Princess.

Tinawag naman ng US na “deeply disturbing” ang mga insidente ng pag-atake habang nagpaabot na din ng pagkondena ang ilang mga bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *