Bicol region nagtala ng panibagong 108 na kaso, 190 recoveries at 2 pagkasawi sa COVID-19

BICOL—Pumalo na sa 21,484 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 108 na panibagong kaso.

Pinakamaraming bagong kaso ang nadagdag sa Camarines Sur na umabot sa 45 kung saan 12 nito ay mula sa Naga City, 11 sa bayan ng Calabanga, pito sa bayan ng Bato, lima sa bayan ng San Fernando, tigdadalawa ang mga bayan ng Bombon, Cabusao, Canaman at Pamplona at tig-isa naman ang bayan ng Bula at San Jose.

19 na bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Virac, apat sa bayan ng Bagamanoc, tatlo sa bayan ng Gigmoto, dalawa sa bayan ng Bato at isa sa bayan ng Viga.

15 kaso ang nadagdag sa Sorsogon kung saan 12 nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Gubat at isa sa bayan ng Pilar.

Ang Albay ay nagtala ng 13 bagong kaso kung saan 13 nito ay mula sa lungsod ng Ligao, tigdalawa ang bayan ng Guinobatan at Sto. Domingo at tig-iisa naman ang mga bayan ng Bacacay, Legazpi, Libon, Malinao, Manito at Polangui.

13 kaso rin ang naitala sa Camarines Norte kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Labo, apat sa bayan ng Daet at tig-iisa ang mga bayan ng Jose Panganiban, Talisay at Vinzons.

Mayroon namang tatlong kasong naitala na nanggaling sa labas ng Bicol.

Samantala, pumalo na sa 17,652 ang total recoveries matapos na makapagtala ng 190 na mga bagong gumaling. 97 nito ay mula sa Albay, 57 sa Camarines Sur, 20 sa Naga City, sampo sa Catanduanes, apat sa Sorsogon at dalawa sa Masbate.

Dalawang panibagong pagkasawi ang nadagdag na mula sa Albay at Camarines Sur kung kaya pumalo na sa 808 ang death toll ng sakit sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###   || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *