Florida nagtala ng high breaking record ng mga nao-ospital dahil sa COVID-19

Nagtala ng high breaking record ng pagtaas ng COVID-19 ang mga ospital sa Florida USA sa gitna ng bagong waves ng virus.

Sa report ng US Health Officials, nasa 11,515 Florida residents ang kasalukuyang naka-admit sa ospital kung saan marami umano ang mas bata as mas malusog na mga pasyente kumpara sa mga naunang naitala sa unang bahagi ng pandemya.

Matatandaan na tinutulan ni Republican Governor Ron DeSantis na gawing mandatory ang pagbabakuna at pagsusuot ng face masks.

Batay sa tala, isa sa bawat tatlong kaso ng COVID-19 sa America ay mula sa Florida o Texas.

Ilan umano sa mga ospital sa Florida ay naabot na ang maximum bed capacity kung saan ilan sa mga pasyente ay inilalagay na lamang sa mga hallway, lobby waiting areas at mga makeshift overflow centers.

Sinabi ni Dr. Dean Watson, isang opisyal ng ospital sa Tallahassee, mas marami ngayon ang kanilang pasyenteng inaasikaso kumpara noong mga unang surge ng virus.

Matatandaan na bagamat marami na ang nabakunahan sa America, marami pa rin ang tumatanggi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *