Pangalan ng senador na umanoy nakiki-alam sa DQ case ni BBM, hindi pa inilalabas ng Senado

Wala pa ring inilalabas na pahayag ang pamunuan ng senado kaugnay sa naging expose’ ni retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon na umano’y isang senador na gustong mag-impluwensiya sa disqualification case ni presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Magugunitang ayon kay Guanzon sinabi na niya kay Senate President Vicento Tito Sotto III ang pangalan ng tinutukoy niyang senador.

Sa kabila nito tikom pa rin si Sotto sa mga katanungan ng mga mamahayag kaugnay sa pagkakakilanlan ng mambabatas.

Batay sa binigay na mga clue ni Guanzon ang senador na gusto umanong mag-impluwensiya sa kaso ni Marcos Jr. ay mula sa Davao.

Subalit ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri tinanong niya sa isyu ang dalawang senador mula sa Davao na sina Sen. Christopher Bong Go at Ronald Bato Dela Rosa subalit tinawanan lamang umano ng mga ito ang kanyang katanungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *