Pangulong Duterte, naiintindihan ang mandato ng COA- DOJ

Naiintindihan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mandato ng Commission on Audit (COA) na bantayan at ingatan ang pondo ng bansa. 

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos na hilingin ng pangulo sa COA, isang independent government body na tigilan ang pagpuna sa mga government agencies habang pino-proseso pa ang mga dokumento dahil lumilikha ito ng kaisipang may nagaganap na korapsyon sa mga ahensya.

Nilinaw ng Palasyo na ang hiniling lamang ng presidente ay itigil ang paglalabas ng preliminary reports, at hindi ang annual audit reports. 

Ayon kay Guevarra, abugado ang punong ehekutibo at naiintindihan nito ang trabaho ng COA. 

Binigyang diin ng opisyal na ginagawa ng mga ahensya ng gobyerno ang lahat para makasunod sa maraming auditing rules at regulations, pero nagiging problema ang mahaba at mabagal na proseso at sa pagsusumite ng supporting documents. 

Aniya, dapat din namang bigyan ng pagkakataon ang mga government agencies na itama ang mga deficiencies na pinuna ng COA.

Mababatid na nag-ugat ang sentimyento ng pangulo sa trabaho ng COA dahil sa kanilang report na pumupuna sa deficiencies ng paggastos ng Department of Health (DOH) sa P67.32 bilyong COVID-19 funds. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *