Panukalang ordinansang mag oobliga sa mga may ari ng resort  sa bayan ng Basud na magkaroon ng lifeguard hindi nakausad sa Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- “For further study”!

Ito ang naging rekomendasyon ng Committee on Tourism na sinang- ayunan naman ng mayorya ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan kaugnay sa panukalang ordinansa na mag oobliga sa mga resort owner na magkaroon ng lifeguard para sa kaligtasan ng mga nagsi- swimming.

Batay sa panukalang  ordinansa na iniakda ni Coun. Shaina Jules Lopez, pinatitiyak na dapat ay may naka- duty na certified lifeguard sa buong operation hours ng establishment.

Dapat ding may sapat na bilang ng life jacket o life saving devices ang resort.

Ito umano ay upang maiwasan ang mga insidente ng pagkakalunod kaya mahalagang magkaroon ng professional at certified lifeguards sa mga beach resort.

Sa ilalim ng ordinansa maaaring makulong o pagmultahin ng hanggang P2, 500 ang sinumang nagmamay- ari, manager o operator ng resort na walang lifeguard.

Ito ay sa gitna na rin nang dumaraming resort sa naturang bayan na nag- ooperate ng walang lifeguard na titingin sa kanilang customers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *