Gov. Padilla iginiit na walang dapat ikabahala sa kabila ng pananatili ng Camarines Norte sa COVID- 19 alert level 2

CAMARINES NORTE- Iginiit ni Governor Ricarte “Dong” Padilla na walang dapat ikatakot ang mga taga Camarines Norte sa kabila ng pananatili nito sa COVID- 19 Alert Level 2.

Ayon kay Padilla ang dahilan kung bakit nasa Alert Level 2 pa rin ang lalawigan ay hindi dahil sa mataas na kaso ng COVID- 19 kundi dahil sa mababang accomplishment sa vaccination partikular sa senior citizen na hindi pa rin nakakaabot sa 80 %.

Para maisailalim sa pinakamababang Alert Level ang isang lugar, kailangang naabot na ang 80 % vaccination coverage sa over- all population at 80 % din sa senior citizen.

Dagdag pa ng Gobernador na hanggang sa ngayon ay mababa pa rin ang vaccination coverage sa mga kabataan.

Kaya naman hinikayat nito ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Sinabi ito ng opisyal sa harap ng mga magulang sa bayan ng Daet na dinala ang kanilang mga anak para sa Measles, Rubella at Oral Polio immunization na ginagawa ngayong buong buwan ng Mayo.

Kahapon, iniulat ng Provincial Health Office na mayroong 9 na aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan, ang pinakamataas mula Enero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *