Panukalang pagbura sa utang ng mga magsasaka, pirma na lang ng Pangulo ang kulang

Pirma na lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang kulang upang maipatupad ang panukalang bubura sa utang ng nasa  610,000 na mga magsasaka sa pamamagitan ng condonation sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program  o CARP.

Ayon kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto, sasakupin ng condonatiuon ang lahat ng principal loans, unpaid amortizations at interests at exempting payment of estate tax sa mga agricultural lands na iginawad sa mga magsasaka sa bisa ng CARP.

Bagamat aabot sa P57.5 bilyon ang halaga ng mawawala sa gobyerno ito ay isa umanong tamang hakbang..

Kung nagpapasa umano ang Kongreso ng mga batas para mabawasan ang buwis na binabayaran ng mga malalaking kompanya at indibidwal na kumikita ng malaki sinabi ni Recto na dapat din itong gawin sa mga magsasaka na siyang nagpapakain sa bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *