Senador, walang nakikitang problemang legal kung isasama ang mga foreign students sa coverage ng ROTC bill

Walang nakikitang problemang legal si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kung isasama ang mga foreign students sa coverage ng panukalang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC).

Ayon sa senador, kung maisasabatas ito, lahat ng mga mag-aaral sa Higher Educational Institutions at Technical Vocational Institutions ay aatasan na sumailalim sa basic ROTC, o kung hindi sumunod ay hindi sila papayagang makapagtapos.

Bagama’t walang exemption sa ROTC, mayroon naman specialized program para sa mga estudyante na may kapansanan at iba pa.

Inulit ng senador ang kanyang  panininidigan sa pagsusulong ng ROTC bill sa kabila ng pagkontra ng iilan lalo na umano ang mga nasa “kaliwa”.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *