Parañaque at Pasay, high risk sa COVID-19

Tinukoy ngayon ng Department of Health ang mga lungsod ng Parañaque at Pasay bilang high-risk areas para sa COVID-19, dahil sa tumataas na bilang ng infections at mataas na average daily attack rate (ADAR).

Batay sa datos ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman, lumalabas na tanging tatlo lang sa mga lungsod sa Metro Manila ang nagtala ng positive case growth rate noong May 30 hanggang June 12, na kinabibilangan ng Parañaque (2%), Pasay (19%), at Malabon (30%).

Ang ADAR ng Parañaque sa naturang period ay mataas sa 9.09 cases per 100,000 population, mas mataas sa threshold ng DOH na seven cases per 100,000, habang ang intensive care unit (ICU) utilization rate ay nasa moderate risk category sa 62.5%.

Sa Pasay naman, ang utilization rates ng hospital at ICU beds ay parehong nasa safe zone pero ang ADAR ay nasa high risk category sa 8.65 cases per 100,000 population, habang pumalo rin ang ICU utilization rate sa high to critical risk classification sa San Juan (100%), Makati (72.4%), Las Piñas (90%), at Muntinlupa (70.4%).

Sinabi rin ng DOH na 11 mula sa 17 lungsod sa Metro Manila ay mayroong high-risk ADAR, kung saan ang ADAR sa Malabon, Quezon City, Manila, Caloocan, Marikina, at Navotas lang ang nasa moderate risk category. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *