Parliament ng Norway, nakatanggap ng bomb threat

Nakatanggap ng bomb threat ang parliament ng Norway noong Miyerkules

Hinigpitan ng pulisya ang seguridad sa paligid ng parliament ng Norway matapos itong makatanggap ng bomb threat.

Agad na in-evacuate ang public audience na dumalo sa mga deliberasyon sa loob ng gusali habang pinagpatulo naman ng mga miyembro ng parliyamento ang kanilang trabaho sa gitna ng banta.

Ayon sa isang tagapagsalita ng polisya, mahigpit nilang binabantayan ang parliament upang maiwasan ang mga potensyal na insidente.

Nagtayo na rin ng mga metal barriers ang mga armadong pulis na nakasuot ng riot gear upang harangan ang daanan sa gusali.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *