Pasadong grado sa SONA, ibinigay ng ilang taga Naga at Camarines Sur ; aktibidad payapa

NAGA CITY-Naging mapayapa ang unang State of The Nation Address ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa Naga City at Camarines Sur.

May kilos protesta pero sumunod naman sila sa hiling ng Philippine National Police. Ilan sa mga sigaw ng progresibong grupo at pagkakaroon ng national minimum wage at pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Sa SONA, binigyan ng grade na 8 out of 10 ni Vicky Dacillo ng Sipocot Camarines Sur si Marcos Jr. Hindi si Marcos ang kaniyang ibinoto pero narinig niya ang magandang laman ng SONA , nakikita niya ang mataas na pangarap ng opisyal, hiling niya na mapababa ang presyo ng mga bilihin.

Si Ericson Blasa naman ng Magarao , Camarines Sur , supporter ni PBBM. Sa ngayon aniya 7 muna ang grado niya dahil napakataas pa ng presyo ng petrolyo. Kung mababa, hindi rin malayo na bumaba ang presyo ng mga bilihin.  Ramdam na ramdam niya ito lalo na’t , malayo ang binabiyahe papunta sa trabaho at araw-araw naririnig ang problem ang mga nagpapa karga ng gasoline sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Naiintindihan ni Blasa na hindi kontrolado ng gobyerno ang takbo ng bentahan sa ibang panig ng daigdig.

Binigyan naman ng gradong 8 ni Joselito Ocol residente ng Naga City na isa sa co-founders ng Agrabah Ventures ang unang arangkada pa lamang ng talumpati ng Pangulo, binibigyang prayoridad ang agrikultura. Sina Ocol ay tumutulong sa mga magsasaka sa Bicol na makahanap ng buyer ng mga produkto.

Sa SONA ni Pangulong Marcos Jr, kabilang sa highlights ang strong economic growth, foot security at pagbaba ng inflation rate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *