Former Pres. Duterte nakamonitor sa estado ng bansa sa ilalim ng bagong administrasyon – Go

Patuloy na nakamonitor si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa estado ng bansa sa ilalim ng bagong administrasyon.

Sa ambush interview matapos ang opening session ng Senado para sa 19th Congress, sinabi ni Go patuloy na nagbabantay ang dating pangulo dahil interesado ito sa mga mangyayari at kung paano maipagpapatuloy ng Marcos admin ang napagtagumpayan noong nakaraang administrasyon.

“Being the former president, interesado rin po s’ya lalung-lalo na po sa mga programang nagawa n’ya na ipagpapatuloy ang magagandang programa na nakakatulong sa ating mga kababayan,” ayon kay Go.

Partikular umano na binabantayan ni dating pangulong Duterte ay ang mga programa laban sa illegal drugs, kriminalidad, at kurapsiyon.

Umaasa din umano si Duterte na itutuloy ni Marcos ang mga programa nito na may kaugnayan sa peace and order.

Samantala tiniyak naman ni Go na hindi makiki-alam ang dating Pangulo sa pamamalakad ng kasalukuyang gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *