Isang Dolphin ang natagpuang patay sa baybaying dagat na sakop ng Barangay Sto. Niño Mauban, Quezon.
Agad naman itong naipagbigay alam ng mga residente sa mga kinauukulangan upang maibestigahan at para sumailalim sa pagsusuri ang dolphin.
Lumabas sa isinagawang eksaminasyon na pinaghihinalaang binaril ito o pinana dahil nagtamo umano ito ng sugat na tagusan sa katawan na syang tinitingnang sanhi sa pagkamatay nito.