PCG, aminadong hindi sapat ang mga assets para depensahan ang mga mangingisda sa WPS

Inamin ng Philippine Coast Guard (PGC) na hindi sapat ang kanilang assets para matiyak ang immediate defense para sa lahat ng mangingisdang Pilipino laban sa harassment sa West Philippine Sea, pero ima-maximize umano nila ang “very little” resources na mayroon sila.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, na maliit lang ang kanilang coast guard assets, pero ginagamit umano nila ito para protektahan ang interes ng mga mangingisda.

Ang pahayag ni Tarriela ay matapos mapaulat ang umano’y pagtaboy ng Chinese Coast Guard ship sa mga Filipino fishermen sa Ayungin Shoal noong Jan. 9.

Sinabi nito, na nagsumite na sila sa Department of Foreign Affiars ng affidavit mula sa mga mangingisda at videos ng naturang insidente, na gagamitn ng ahensya bilang ebidensya sa paghahain ng diplomatic protest laban sa China.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa Jaoan at France para sa pagbili ng 97-meter at 83-meter vessels.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *