PCG at Navy – pinadaragdagan ng confidential at intelligence funds

Isusulong ng Senado ang mas mataas na confidential at intelligence funds para sa lahat ng ahensya ng gobyerno na may mandatong ipagtanggol ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, kabilang dito ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) na aniya ay karapat-dapat makatanggap ng full logistical at operational support mula sa gobyerno.

Ito raw kasi ang dalawang ahensyang responsable sa pagpapatrol sa teritoryong pandagat ng bansa mula sa mga ilegal na aktibidad at panghihimasok ng China.

Maalaalang pinangunahan ni Zubiri ang Senado sa muling pagbuhay sa Select Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds (SOCCIF), upang suriin ang mga iminungkahing CIF ng humigit-kumulang 30 ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *