Pimentel – iminungkahi ang pagkakaroon ng water cannon ng mga PCG

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na karapatan din ng bansang magkaroon ng sarili nitong water cannons.

Ito ay upang magamit din umano ng mga Philippine Coast Guard (PCG) vessels sa pagbobomba ng tubig sa mga pinaniniwalaang lumalabag din sa batas at sovereign rights sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Ito ang kanyang naging pahayag matapos ang panibago na namang insidente ng water cannon attack ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas na papunta lang sana sa Scarborough shoal.

Bago ito, una nang idiniin ng PCG na ‘di sila basta-basta gaganti’t gamit ng dahas laban sa China.

Maliban pa roon, tiniyak din nilang gagamitin lang nila ang mga ito para sa rescue, gaya ng pag-apula ng apoy sa mga sasakyang pandagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *