PDEA – pinabulaanang kabilang ang pangalan ng Pangulo sa watchlist

Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kahit kailan – hindi naging bahagi ng kanilang drug watchlist si Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay matapos akusahan ang Pangulo na ‘di umano’y kabilang sa naturang listahan.

Sa pahayag ng PDEA – mula raw nang itatag ang National Drug Information System o NDIS noong 2002 – ‘di raw napabilang sa listahan nila si Marcos.

Kahit na noong nagkaroon daw ng ‘narco-list’ ang nagdaang administrasyon, wala rin daw doon ang pangalan ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *