Exec. Sec. Bersamin – hinimok ang PNP na maging tapat sa sinumpaang tungkulin

Hinimok ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na maging kaisa sila sa pagsusulong ng Bagong Pilipinas.

Sa pagharap ni Bersamin sa PNP sa Kampo Crame, idiniin niya ang kahalagahan ng pag-una ng mga kapulisan sa sinumpaan nilang tungkulin, at ang pagsasantabi ng mga sariling interes.

Aniya, dapat ay balikan ng mga kapulisan ang kanilang commitment, at panghawakan ang kanilang mga tsapa nang walang halong katiwalian.

Samantala, natapos na ang ipinatawag na biglaang command conference ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda.

Hindi naman na idinetalye ang nilalaman ng mga napag-usapan ng mga top oficials ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *