PH, nakapagtala ng all time high 22,820 new COVID-19 infections

Nakapagtala ang bansa ng 22,820 bagong COVID-19 infections, pinakamataas mula nang nagsimula ang pandemya.

Ayon sa Department of Health (DOH),  dahil sa mga bagong kaso, pumalo na ang total case count sa 2,161,892.

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 166,672 ang active cases sa bansa. 

Umabot naman na sa 1,960,487 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 12,337 pang pasyente.

Samantala, nasa 34,733 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 61 bagong fatalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *