Health workers, APOR di rin papayagang lumabas sa granular lockdown —DILG

Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kasama sa hindi papayagang lumabas sa kanilang tahanan ang mga authorized personnel outside of residences (APOR) kabilang ang mga health workers kung ang lugar nila ay isinailalim sa granular lockdown.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, isang kalye o isang lugar lamang ang sakop ng granular lockdown.

Hindi rin daw papayagang lumagpas sa checkpoint ang mga delivery services  at ang mga barangay personnel na lamang ang aatasang magdeliver ng goods sa mga recipient.

Tiniyak naman ni Diño sa mga residente na ang tulong ay ibibigay lamang sa mga maaapektuhan ng granular lockdown.

Dagdag ng opisyal, sisiguruhin nilang may sapat na manpower para ma implement ang granular lockdown na babantayan ng mga pulis at lokal na opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *