PhilHealth, kinumpirma na ang dagdag-singil sa monthly contribution ng kanilang miyembro

Kinumpirma na ng PhilHealth ang dagdag-singgil sa monthly contribution ng kanilang mga miyembro.

Mula 4% itinaas na sa 5% ang monthly premium.

Ibigsabihin kung kumikita ang isang empleyado ng P10,000 kada buwan ang babayaran na ay P500 at kung P100,000 naman ang kita ng isang employee ang babayaran nito ay P5,000 kada buwan.

Sagot ng employer ang kalahati niyan kaya kung P10,000 ang sweldo may kaltas na P250 habang ang P100,000 ay kakaltasan ng 2,500.

Kung walang kakayahang magbayad tulad ng senior citizen, PWD na walang trabaho at indigents sagot ng gobyerno ang monthly premium.

P17 bilyon ang malilikum na dagdag pondo ng PhilHealth mula sa pagtaas ng monthly contribution.

Paliwanag ng ahensya, pangtustos ito sa iba’t ibang programa ng gobyerno na sasagutin ng PhilHealth at sa expansion ng PhilHealth kunsulta sa libreng kunsultasyon sa doktor, laboratory work at gamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *