Philpost- Naga tinitiyak na walang backlogs sa National ID

NAGA CITY- Tinitiyak ng Philippine Postal Corporation sa Naga City na hindi sila magkakaroon ng backlogs o hindi maiipon at tatagal sa kanila ang PhilSys IDs.,

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Malu De Gayo ng Philpost sa Naga. Aniya kahit Linggo nagdedeliver na ang kanilang mga kartero dahil prayoridad din na mai-distribute na ang mga IDs na ibinababa mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas na silang assign sa printing.

Sakop ng tanggapan nina De Gayo ang  Milaor , Minalabac, San Fernando, Camaligan,  Gainza, Bombon , Canaman at Magarao.

Mababatid na ayon kay postmaster general and CEO Norman N. Fulgencio umabot na sa mahigit 13.7 million PhilSys IDs ang naideliver nationwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *